Viral ngayon sa Facebook ang video ng isang lalaki na nahulog mula sa likod ng pick-up truck sa Batangas City.

Ayon sa kumuha ng video, nagsasagawa sila nitong Biyernes ng caravan ng isang kandidato sa pagka-pangulo ng mangyari ang insidente.

Sayaw daw ng sayaw ang lalaki na kinilalang si Marlon Balbuena ng biglang umabante ang sasakyan, kaya mawalan ito ng balanse at nahulog.

Maswerteng hindi nauna ang ulo ng lalaki na tumama sa semento.

Makikita sa video na mabilis na tumayo ang lalaki na parang walang nangyari at humabol sa sasakyan.

 

Sa halip daw na matakot ang mga kasamahan ng lalaki ay nagtawanan nalang sila dahil sa pagiging kenkoy nitong si Marlon kahit na nahulog.

Hindi naman daw nagtamo ng pinsala sa katawan ng lalaki.

Mananatili daw itong solid sa kanyang ikinakampayang manok sa pagka-pangulo. —LBG, GMA News