Apat na lalaki ang nahuli matapos magnakaw sa isang eskwelahan sa Mabalacat, Pampanga, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Miyerkules.

Nahuli ng mga otoridad ang mga suspek sa kalapit na bayan at nakumpiska ang mga ninakaw na air conditioning unit, printer, TV at CCTV monitor na balak daw nilang ibenta.

Ayon sa ulat, nakitang nagmamasid ang isang tricycle hanggang sa tumigil ito sa harap ng eskwelahan.

Tatlong lalaki ang bumaba habang ang nagmamaneho ng tricycle ay nagsilbing lookout.  

Ang tatlong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulis, habang ang isang menor de edad ay dadalhin sa DSWD. — Jiselle Anne Casucian/VBL, GMA News