BORACAY Island, Malay Aklan - Ekslusibo lamang sa mga turistang fully vaccinated na ang pinapayagang ma enjoy ang mga water sports activities habang nagbabakasyon sa isla ng Boracay.

Base sa Executive Order No. 028-A na nilagdaan ni Aklan Governor Florencio Miraflores, hindi pinapayagan ang mga hindi bakunando na ma enjoy ang iba't-ibang uri ng water sports activities.

Tampok din sa bagong E.O. ang pagpapatupad ng curfew sa Boracay magmula ala una hanggang alas kwatro ng madaling araw.

Umaasa ang provincial government ng Aklan na magiging patuoy na COVID 19 free ang Boracay dahil sa mga paghihigpit sa patakaran na pinaiiral sa buong isla ng Boracay. -- BAP, GMA News