Isang walong-taong-gulang na lalaki ang nasawi, at dalawang pa ang nasugatan matapos araruhin ng isang SUV ang walong sasakyan sa San Jacinto, Pangasinan.

Sa ulat ni Claire Lacanilao sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Lunes, makikita ang matinding paghati ni Nelson Fianeza sa sinapit ng kaniyang mabait na anak na si Mark Jayson.

Ayon sa pulisya, nawalang ng kontrol sa sasakyan ang driver ng SUV at inararo ang walong sasakyan sa Barangay Bagong Pag-asa.

"Pag-iwas niya sa makakasalubong niya biglang nag- accelerate yung... nawalan na ng kontrol kaya lahat ng nasa gilid na sasakyan naararo po niya," sabi ni Police Major Edgar Allan Serquina, hepe ng San Jacinto Police Station.

Gayunman, pumayag umano ang mga biktima na makipagkasundo sa driver ng SUV kaya hindi na sila magsasampa ng reklamo.

--FRJ, GMA News