TAGKAWAYAN - Patay ang isang mag-anak na sakay ng motorsiklo matapos makasalpukan ng isang delivery van sa Qurino Highway, Barangay Santa Cecilia, Tagkawayan, Quezon dakong alas-otso ng gabi nitong Linggo.

Dead on the spot ang motorcycle rider na si Policarpio Jualo habang dead on arrival naman sa pagamutan ang kanyang maybahay na si Delia. 

Binawian naman ng buhay ang kanilang anak na si Orlando Jualo, 48, sa pagamutan sa Naga City nitong Lunes ng umaga. 

Parehong angkas si Delia at Orlando sa motorsiklo. 

Patungo sana sa Barangay Pasay, Del Gallego, Camarines Sur ang mga biktima upang doon mag-Bagong Taon.

Malakas ang ulan sa lugar ng mangyari ang aksidente.

Base sa report ng Tagkawayan Municipal Police Station, nag-overtake daw ang motorsiklo sa isa pang sasakyan, dahilan para masalpok sila ng kasalubong na delivery van.

Sa tindi ng pagsalpok ay nawasak ang unahan ang delivery van. Wasak din ang motorsiklo at tumilapon ang mga sakay nito.

Malakas ang ulan sa lugar nang mangyari ang aksidente.

Posibleng maharap ang driver ng van sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property. —KG, GMA News