Namangha ang mga mangingisda sa laki ng blue marlin na nahuli nila sa karagatang sakop ng Laoag City, Ilocos Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Martes, makikita na mas malaki pa sa tao ang nahuling isda.

Umabot daw sa mahigit 200 kilo ang bigat ng blue marlin, at naibenta sa presyong aabot sa P40,000.

Ayon umano sa mga mangingisdang nakahuli sa blue marlin, ngayon lang sila nakakita ng ganung kalaking isda.-- FRJ, GMA News