Natagpuan na ang katawan ng pulis na nalunod sa Atimonan, Quezon, matapos ang tatlong araw na paghahanap ng mga awtoridad.

Ayon sa Atimonan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) nalunod si Police Corporal Roel Agnes matapos niyang sagipin ang isang babae mula sa pagkalunod sa ilog.

Matapos ang insidente, hindi na nakita ang katawan ni Cpl. Agnes at natagpuan ang kanyang mga labi na nasa stage of decomposition na matapos ang tatlong araw na search and retrieval operation.

 

Photo courtesy of Atimonan MDRRMO
Photo courtesy of Atimonan MDRRMO

Bayani na itinuturing ng Quezon Police Provincial Office si Cpl. Agnes.

Nasa isang punerarya na sa Atimonan ang kanyang mga labi. —LBG, GMA News