Patay ang isang kawani ng munisipyo sa Rosario, Batangas matapos siyang pagbabarilin habang nakaupo sa nakaparada niyang motorsiklo.

Sa ulat ni Paul Hernandez sa GMA Regional TV "Balitang Southern Tagalog," nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Mark Anthony Grit, 40-anyos, driver sa Municipal Disaster Risk Reduction Management (MDRRMO) ng nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, nakaupo ang biktima sa nakaparada niyang motorsiklo sa Barangay Poblacion E nitong Miyerkules ng hapon, nang lapitan siya ng riding in tandem at pinagbabaril.

Nagtamo ng nasa limang tama ng bala sa katawan ang mukha ang biktima.

Nakatakas naman ang mga salarin.

Hindi na nagbigay ng pahayag ang mga kaanak ni Grit.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. Mayroon na umano silang person of interest pero hindi muna nila inihayag ang detalye nito. --FRJ, GMA News