Nabundol ng isang SUV ang isang nagpumiglas na kalabaw matapos itong magulat umano dahil sa kulog at kidlat sa Narvacan, Ilocos Sur.

Sa ulat ng "24 Oras Weekend" nitong Sabado, makikita sa mga larawan ng GMA Regional TV Balitang Amianan ang kalabaw na ayon sa pulisya ay tumawid bago ang insidente.

Giit ng may-ari, mahigpit ang pagkatali niya sa kaniyang alaga.

Gayunman, maaaring nagulat ang kalabaw nang biglang umulan at kumulog at kumidlat kaya nagpumilit itong makawala.

Nagtamo ng sugat sa likod ang kalabaw habang ligtas ang tatlong sakay ng SUV. —Jamil Santos/VBL, GMA News