Nasawi ang isang mag-asawa matapos silang pagpupukpukin umano ng bato sa ulo ng sarili nilang anak sa Candaba, Pampanga.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ng mga pulis na nanghihingi umano ng pera ang anak pero nauwi ito sa pagtatalo, hanggang sa pinaghahataw na ng suspek ang kaniyang mga magulang gamit ang bato.

Hawak na ng pulisya ang suspek, at nakuha rin ang malaking bato na ginamit nito sa pagpaslang sa kaniyang mga magulang.

Dagdag ng mga awtoridad, pabalik-balik ang suspek sa drug rehabilitation center, at lulong sa sabong.

Gayunman, tumanggi ang suspek sa mga alegasyon sa kaniya.

Nahaharap ang salarin sa dalawang kaso ng parricide. —Jamil Santos/LBG, GMA News