Isang 20-anyos na lalaki ang nasawi, at tatlong iba pa ang nasugatan sa pagtama ng kidlat sa Sipalay City, Negros Occidental.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Martes, kinilala ang biktima na si Christian Iscarlan.

Nangyari ang insidente noong Biyernes, habang nagsasagawa ng tree planting activity ang Community Environment and Natural resources Office sa Barangay Manlucahoc.

Sugatan din ang tatlong kasama ng biktima na nasa 16, 20, at 21.

Dahil sa nangyari, nagpaalala ang mga awtoridad na mag-ingat sa tuwing masama ang panahon na may kasamang pagkulog at pagkidlat.--FRJ, GMA News