Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 45-anyos na lalaki matapos siyang masagasaan ng trailer truck sa Batangas City.

Sa ulat ni Denice Abante sa GMA Regionak TV "Balitang Southern Tagalog" nitong Lunes, kinilala ang biktima na si Ronan Hernandez, residente sa ng Barangay Calicanto, kung saan nangyari ang trahediya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na naglalakad lang ang biktima nang mahagip siya ng truck na minamaneho ni Danny Boy Guzman, 42-anyos, taga-Mabini, Batangas.

Giit ni Guzman, nakatigil siya at wala siyang nakitang tao sa gilid ng kaniyang truck nang umarangkada siya.

Hindi raw niya alam kung saan nanggaling ang biktima, na itinaklarang dead on arrival nang isugod sa ospital.

Nakadetine sa himpilan ng pulisya si Guzman, na nahaharap sa reklamong reckless imprudence resulting to homicide.--FRJ, GMA News