Nagtamo ng mga sugat ang isang batang lalaking sakay ng kaniyang toy car matapos masalpok ng tricycle sa Bontoc, Mountain Province.

Sa ulat ng "24 Oras Weekend" nitong Sabado, sinabing agad namang nasaklolohan at nabigyan ng paunang lunas ang dalawang taong gulang na bata matapos ang insidente.

Nagpapagaling na ang biktima sa ospital, samantalang inaalam din ang sitwasyon ng tricycle driver, at kung sasampahan siya ng reklamo.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, at ang mga magulang na laging bantayan ang mga anak lalo kung nasa labas sila. — Jamil Santos/VBL, GMA News