Nahuli-cam sa Calasiao, Pangasinan ang pagkahulog ng isang pampasaherong jeepney sa gilid ng kalsada.

Sa ulat ng GMA Regional TV "One North Central Luzon" nitong Martes, nasapul ng CCTV camera sa Barangay San Vicente ang biglang pagsulpot ng jeep.

Bumangga muna ito sa concrete barrier bago tuluyang nahulog sa malalim na gilid ng kalsada.

Nasugatan ang driver ng jeep na tanging nakasakay dito nang mangyari ang insidente.--FRJ, GMA News