Patay ang isang babaeng criminology student matapos siyang masagasaan ng isang pampasaherong bus sa Ragay, Camarines Sur nitong Linggo ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Arabel Cuenca, ayon sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Lunes.

Nangyari ang aksidente sa Andaya Highway.

Ayon sa pulisya, papuntang Sipocot ang biktima at nakaangkas ito sa isang motor.

Nalubak sila at nahulog ang biktima. Nasagasaan naman siya ng bus na kasunod nila.

Ligtas ang rider ng motor.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng bus na hindi nagbigay ng pahayag. — KG, GMA Integrated News