Nagliyab ang isang pampasaherong jeep, matapos na may makitang batang naglalaro ng lighter sa loob nito sa Baguio City. Ang isang van, nadamay din ng apoy.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing lumabas din sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection na maraming karton at sako sa lugar kaya mabilis kumalat ang apoy.

Wala namang napaulat na sugatan sa insidente. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News