Na-rescue ng mga awtoridad ang isang ginang na hinostage ng kanyang sariling anak sa Iloilo.

Iniulat ng Unang Balita nitong Huwebes, batay sa report ng Super Radyo Iloilo, nangyari ang hostage-taking sa Barangay Progreso, Lapuz, Iloilo City.

Ayon sa pulisya, nahirapan sila sa negosasyon dahil ayaw makinig ng suspek.

Sapilitang pinasok ng mga pulis ang bahay at tumambad sa kanila ang suspek na may hawak na patalim habang hawak-hawak din ang kanyang ina, ayon sa ulat.

Nadisarmahan umano agad ang suspek.

Dinala sa ospital ang mag-ina at dun napag-alamang may nervous breakdown ang suspek at sumasailalim sa medikasyon. —LBG, GMA Integrated News