Nalunod ang isang lalaki nang tangkaing iligtas ang nalulunod na pamangkin sa- isang ilog Mangaldan, Pangasinan.

Sa ulat ni Jasmin Gabriel-Galban ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Saksi, kinilala ang biktima na si Ricardo Ducusin, 44-anyos.

Nasa outing ang magbabarkada kasama ang mga kamag-anak nina Ducusin nang mangyari ang insidente.

Tinangka pa ng mga kaibigan ni Ducusin na sagipin siya, pero nabigo sila.

Sinabi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na nasa impluwensiya ng alak ang biktima at ang kaniyang mga kasama bago maligo sa ilog.

Magpapatupad ng regulasyon sa paliligo sa Angalacan River matapos ang insidente, kung saan pagbabawalang maligo ang mga nakainom ng alak. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News