Nakunan sa video ang pagsasabunutan at pagsusuntukan ng dalawang babae sa harap ng mga kapwa nila kabataan sa Tagkawayan, Quezon.
Sa ulat ng Saksi, mapapanood din sa video na umabot pa sa isang punto na halos gumulong sa lupa ang dalawang babae.
Tinangka ng ilan na awatin ang sabunutan ngunit hindi pumayag ang iba.
Umabot ng 10 minuto ang away ng dalawang babae na hindi pa malinaw ang pinag-ugatan.
Base sa Sangguniang Barangay ng Poblacion, ipatatawag nila ang mga kabataang sangkot, kabilang ang kanilang mga magulang. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
