Isang rider ang naputulan ng daliri matapos masagi ng tricycle sa Calasiao, Pangasinan.

Ayon sa ulat ni John Consulta mula sa 24 Oras Weekend noong Linggo, kita sa CCTV ang matulin na pagpapatakbo ng tricycle nang masagi nito ang rider na nakasakay sa motorsiklo.

Tinakbuhan ng tricycle ang rider matapos nito tumilapon sa gilid ng kalsada.

Patuloy na hinahanap ang tricycle at ang nagmamaneho nito. — Jiselle Anne C. Casucian/BM, GMA Integrated News