Patay ang isang grader operator matapos mahulog sa bangin sa San Vicente, Palawan.

Nakilala ang biktima na si Vicente Heredero, ayon sa ulat ni Jhomer Apresto sa Unang Balita nitong Lunes.

Kuwento ng foreman ng Provincial Engineering Office, sumusunod sa grader operator ang isang dump truck.

Sa pag-iwas sa dump truck, bumangga sa bato ang grader at nahulog na ito sa bangin.

Dead on arrival ang biktima nang dalhin sa ospital. —KG, GMA Integrated News