Isang pitong taong gulang na bata ang tinuklaw ng ahas na kaniyang hinuli sa Tampakan, South Cotabato.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing dinala ang bata sa ospital ng mga opisyal ng barangay upang maturukan siya ng anti-venom.

Nasa maayos nang lagay ngayon ang bata.

Sinabi ng kapitbahay na kumuha ng video na iniuwi pa ng bata ang ahas at isinilid sa aquarium.

Nagpatulong na ang barangay sa Department of Environment and Natural Resources upang maibalik ang ahas sa kagubatan.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News