Patay na nang matagpuan ang 14-anyos na babae na ilang araw nang nawawala sa Borongan City, Eastern Samar.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bistak nitong Huwebes, sinabing nakita ang bangkay ng biktima na nakalibing sa kabundukang lugar sa Barangay Balacdas noong Martes.

Marso 15 pa nang iulat na nawawala ang 14-anyos na biktima, na kinilala ng kaniyang lola ang bangkay dahil sa kaniyang suot at nakitang cellphone.

Susuriin namang mabuti ng mga imbestigador ang lugar kung saan nakita ang bangkay ng biktima.

Isinailalim din sa awtopsiya ang kaniyang mga labi para malaman ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.-- FRJ, GMA Integrated News