Isang babaeng senior citizen ang binudol umano ng kapwa niya senior citizen sa Talisay, Cebu, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Ayon sa pulisya, nagpatulong ang suspek, na nagpakilala umanong Koreano, at dalawa pang kasabwat sa biktima na pumunta sa isang hardware store.

Pagkagaling sa hardware, doon na raw kinuha ng mga suspek ang mahigit P200,000 na pera at mga alahas ng biktima.

Sabi raw ng mga suspek sa biktima, pansamantala nilang iiwan sa sasakyan ang kanilang bag na may lamang P1 milyon. Pero nang tignan ang nasabing bag ay puro papel pala ang laman nito.

Bagama't nahuli ang isa sa mga suspek, hindi na nabawi ang mga tinangay na pera at alahas. —KBK, GMA Integrated News