Nagtamo ng mga sugat ang isang 48-anyos na babae matapos siyang barilin sa loob ng isang computer shop sa Bacolod City.Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, mapanonood sa CCTV ang pagkagulat ng mga tao sa loob ng computer shop matapos marinig ng putok ng baril.Makikitang nakatayo pa rin ang biktima matapos tamaan ng bala.May person of interest na ang mga awtoridad sa krimen.Base sa inisyal na impormasyon, posibleng dahil ito sa utang.Sinusubukan pa ng GMA Regional TV na makunan ng panig ang biktima, na patuloy pang ginagamot sa ospital. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News