Isang lalaki ang dinakip dahil sa pagbebenta ng karne ng aso sa Badoc, Ilocos Norte.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing nakatanggap ng sumbong ang Criminal Investigation and Detection Group mula sa Animal Kingdom Foundation na may nagbebenta ng karne ng aso sa Barangay Caraitan kaya sila nagsagawa ng entrapment operation.

Nasagip ang isang buhay na aso, at narekober ang mahigit dalawang kilo ng dog meat.

Umamin sa pagbebenta ng karne ng aso ang 47-anyos na suspek, na mahaharap sa reklamong paglabag sa Animal Welfare Act at Anti-Rabies Act of 2007.  — Jamil Santos/VBL GMA Integrated News