Isang rider ang sugatan matapos magkabanggaan ang dalawang motorsiklo sa Cebu City.
Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, huli sa CCTV ang banggaan.
Base sa video, nawalan ng kontrol at sumemplang sa pakurbang bahagi ng kalsada ang rider hanggang sa nabangga nito ang kasalubong na motorsiklo.
Agad tumakas ang rider na nakabangga, na napag-alamang isang menor de edad lamang.
Nagtungo ang magulang ng nakabangga sa barangay upang isuko ang motorsiklo at nangakong sasagutin ang pagpapagamot sa biktimang kasalukuyang nagpapagaling sa ospital. —Jiselle Anne Casucian/VBL GMA Integrated News
