Isang rider ang nasawi matapos matumba ang sinasakyan niyang motorsiklo at magulungan siya ng truck sa Marilao, Bulacan.

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, inilahad ng pulisya na nawalan ng balanse ang rider kaya siya natumba at pumailalim sa truck.

Isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang truck driver na sinabing hindi niya sinasadya ang insidente.

Ayon sa kaniya, sa side mirror na niya nakita na may nagulungan siyang motorista.

Mahaharap ang driver ng truck sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang pamilya ng biktima. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News