Inihayag ni Rhian Ramos na dama niya ang suporta ng kaibigan at “Encantadia Chronicles: Sang'gre” co-star na si Glaiza De Castro ngayong may kinaharap siyang kontrobersiya.

“Actually, na-feel ko naman talaga 'yung support ni Glaiza through the past few weeks. Even if, you know, it wasn't… there's a lot that's not said pa in the news. Pero nakakapag-hangout kami, nakakapag-usap kami,” sabi ni Rhian sa panayam sa kaniya ni Aubrey Carampel sa Balitanghali.

“I don't intend to know everything. I respect her kung ano mang gusto niyang i-share sa akin. But I'm just here, to listen and to be with you. Alam ko kung gaano kahirap 'yung pinagdadaanan mo,” sabi naman ni Glaiza kay Rhian.

Ito ang mga pahayag nina Rhian at Glaiza sa media con ng upcoming girls' love film nila na “I Fell, It's Fine.”

Ayon pa kina Glaiza at Rhian, unbreakable ang kanilang friendship at bond off-cam.

Malaking bagay rin para sa dalawa ang kanilang balik-tambalan na “RasTro” sa “I Fell, It's Fine.”

Matutuwa ang kanilang fans, na una silang napanood sa GMA Prime series na “The Rich Man's Daughter.” – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News