Ikinasal na si "Unang Hirit" funliner Jenzel Angeles at kaniyang non-showbiz partner na si TJ Pasco.

Iniere rin ang pasilip ng seremonya sa Unang Hirit nitong Huwebes, kung saan nakita ang ilang UH Barkada na nakikidiwang sa kasal ng couple.

Present sina Anjo Pertierra, Shaira Diaz, Kaloy Tingcungco, at JR Royol, na ibinahagi rin ang ilang mga tagpo sa social media.

Ginanap ang kasal sa Baguio City, kung saan dumalo rin ang ilang Kapuso stars, kabilang sina EA Guzman, Matt Lozano, at Miguel Tanfelix.

Bukod sa Unang Hirit, napanood din si Jenel sa “Encantadia Chronicles: Sang'gre” bilang si Rakeesha.  — Jamil Santos/Hermes Joy Tunac/VBL GMA Integrated News