Isang motorcycle rider ang nasawi matapos siyang mahulog sa bangin sa Banaue, Ifugao. Ang kaniya namang angkas, sugatan.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing naganap ang insidente nitong Lunes.

Lumabas sa imbestigasyon na nahulog ang motorsiklo sa bangin matapos manggaling sa palikong bahagi ng kalsada.

Isinugod sa ospital ang rider pero idineklarang dead on arrival.

Wala namang pahayag ang sugatang angkas.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng aksidente. —Jamil Santos/VBL GMA News