Natagpuang patay ang isang 19-anyos na lalaki na nagtatrabaho bilang debt collector sa isang palayan sa Alicia, Zamboanga Sibugay nitong Miyerkules, Mayo 27, 2026.
Sa ulat ni Efren Mamac sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Huwebes, sinabing inihayag ng pulisya na residente ng Barangay Poblacion ang biktima. Nakita naman ang kaniyang bangkay sa palayan sa Barangay Cauayan nitong Miyerkules.
Batay sa resulta ng post-mortem examination, na nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa ulo at likod.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin.
Sinisikap din ng GMA Regional TV One Mindanao na makuhanan ng pahayag ang pamilya ng biktima.—FRJ GMA News
