Wala man katiyakan na mabisang panlaban sa aswang ang bawang, ang sigurado, bukod sa mahusay itong sangkap sa pagluluto ay marami rin itong pakinabang sa kalusugan pati na sa mga may problema sa numinipis na buhok.
Sa programang "Pinoy MD," sinabing may sangkop na allicin ang bawang na mahusay upang mapababa ang blood sugar, high blood, cholesterol at lipids.
Mayroon din itong sulfur at selenium na makatutulong naman sa pagpapalago ng buhok.
Panoorin ang buong pagtalakay ng Pinoy MD sa benepisyong hatid ng bawang at ang rekomendasyon kung ilang piraso ng bawang ang dapat kainin ng isang tao para makuha ang benepisyong pangkalusugan na handog nito:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
