Dahil sa sakit, hindi na nakakalakad si Jaylen. Pero dahil sa hangarin niyang matulungan ang mga magulang, pinili pa rin niyang makapag-aral sa tulong ng kaniyang butihing ina na walang pagod at reklamong pinapasan siya patungo sa paaralan.

Panoorin ang nakaantig na kuwento ng pagmamahal at suporta ng ina para makamit ang pangarap ng anak, at ang determinasyon ng anak na makapagtapos ng pag-aaral para sa kaniyang mga magulang sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos

--FRJ, GMA News