Dinadayo ng mga lokal na turista ang nakatagong yaman ng Tuburan, Cebu, na Blue Hole Spring. Pero bago nito, pinangingilagan noon ang lugar dahil sa istoryang may nakatira ritong monster fish na kung tawagin ay "Kugtong."

Kahit marami na ang nagtatampisaw sa bukal na ito, pinapanatili pa rin ng ilang nakatatanda ang taun-taon na ritwal at pag-aalay sa pinaniniwalaang halimaw na isda.

Para alamin ang katotohanan sa mga kuwento tungkol sa monster fish, nagsama ang team ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ng mga professional diver para sisirin ang blue hole.

Alamin ang kanilang natuklasan at nakitang "nilalang" na lumalangoy sa pinakailalim ng bukal. Panoorin ang video sa itaas. --FRJ GMA News