Limang taon nang nagdudusa ang mga residente ng Barangay Sagrada Familia sa Masantol, Pampanga dahil sa patuloy na paglubog ng kanilang lugar sa tubig. Ano nga ba ang sanhi nito, at paano natitiis ng mga residente ang kanilang sitwasyon?
Sa programang "Brigada," ipinaliwanag ng kapitan na si Teresa Lacap na dating palayan ang kanilang lugar na kinalaunan ay ginawang fish pond. Mula noon, napansin na raw nila na unti-unting bumaba ang kanilang lupa hanggang sa malubog na sa tubig.
Bukod dito, ang bahagi rin ng "Pampanga Delta" ang barangay, ang nabuong hugis tatsulok na kalupaan dulot ng graba at buhangin na dala ng daluyan ng tubig, ayon kay Professor and University Scientist Dr. Alfredo Mahar Lagmay ng UP Diliman NIGS.
Pero ang mga residente, naniniwala na ang pagkasira ng isang pribadong fish pond ang dahilan kung kaya bumabaha sa kanilang lugar. Mula raw nang masira ito ay wala nang humaharang na tubig mula sa Pampanga River at Manila Bay kaya umaagos ang ilog sa mga komunidad.
Tunghayan ang episode na ito ng "Brigada" kung ano ang ginagawang paraan ng mga residente para makapagpatuloy sa kanilang pamumuhay sakabila ng malaking pagbabagong nangyari sa kanilang komunidad.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--Jamil Santos/FRJ, GMA News
