Likas na sa mga Pilipino ang pagiging relihiyoso at may takot sa Diyos kaya naman ang kanilang pananampalataya, ipinapakita nila sa iba't ibang paraan.

Balikan sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang mga kuwento ng pananampalataya ng mga Pinoy, kabilang ang pagpinta sa mala-Sistine Chapel ng Sts. Peter and Paul sa Cebu, ang pagbuo sa 51-metrong estatwa ni St. Vincent Ferrer sa Pangasinan, at ang pagbabalik ng Birhen ng Cotta sa Misamis Occidental.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News