Inihayag kamakailan ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa second wave  na umano ang COVID-19 transmission sa Pilipinas. Pero kaagad namang naglabas ng pahayag presidential spokesperson Harry Roque, at sinabing nananatiling nasa first wave pa rin ng virus ang bansa.

Kasunod nito, binigyang linaw naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pahayag ni Duque sa kontekstong “technical sense” ang ibig daw sabihin ng kalihim na second wave.

Ano na nga ba ang talaga ang sitwasyon ng Pilipinas pagdating sa pamemerwisyon ng COVID-19 sa ating bansa? Tunghayan ang ginawang pagtalakay dito ni GMA’s resident political analyst Richard Heydarian para sa "Stand for Truth. Panoorin.

--FRJ, GMA News