Tatlong taon mula nang huling maitampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kambal na sina Chiara at Charina, kumusta na nga ba ang magkapatid na siyam na taong gulang na ngayon? Panoorin.

Napag-alam na lumipat na ng bahay ang pamilya ng kambal. Kung dati ay may hagdanan ang kanilang bahay, ngayon ay wala na para hindi na raw mahirapan ang dalawa kapag lumabas.

Nagagawa na rin nilang makaupo ngayon at mas madaldal na kumpara noon.

Pero sa kabila ng kanilang kalagayan, nagagawa pa rin nilang tumulong sa ilang gawain bahay tulad ng pagwawalis at pagtitiklop ng damit.

Bakas din ang kanilang pagiging masayahin bagaman mas dominante ang isa.

At nitong lockdown, ang isa raw sa naging libangan ng kambal, ang mag-Tiktok.

Panoorin ang episode na ito ng "KMJS" at alamin kung papaano ipinaliliwanag ng kanilang ina kapag nagtatanong ang mga bata kung bakit sila naiiba sa ibang mga bata.

--FRJ, GMA News