Nabulabog kamakailan ang isang bangketa sa Antipolo, Rizal nang makarinig sila ng tinig na humihingi ng tulong. At nang hanapin nila kung saan ito nagmumula, nakita nila sa siwang ng manhole ang babae sa loob ng estero.

Nang tanggalin ng rescue team ang kongkretong manhole ng imburnal, tumambad sa kanila ang hitsura ng babae na inilarawan ng opisyal ng barangay na problemado at balisa.

Ano nga ba ang nangyari sa babae at paano siya napunta sa kaloob-looban ng imburnal? Natunton ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kapatid ng naturang babae at inihayag niya ang pinagdadaanan nito.

Panoorin ang kaniyang kuwento sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
--FRJ, GMA News