Sa mga itinuturing alamat sa basketball, hindi mawawala sa listahan ang tinaguriang "Lastik Man" ng PBA na si Antero "Terry" Saldaña. Ngayon, may panibago siyang laban na kinakaharap tungkol sa kaniyang karamdaman.

Noong panahon ng kaniyang kalakasan, walang makapipigil kay Terry sa hardcourt dahil sa kaniyang lakas at mala-lastikong galaw na dahilan para bansagan siyang "Lastik Man."

Kabilang sa mga koponan na kaniyang kinaaniban ay ang Toyota at ang "never say die" team na Ginebra.

Pero marami ang nagulat nang mag-viral kamakailan ang kaniyang larawan habang nakaupo sa wheelchair na nangingitim ang magkabilang binti at mga paa.

Ano nga ba ang nangyari kay Terry at balikan ang kaniyang katanyagan sa video na ito ng "Brigada."

--FRJ, GMA News