Taliwas sa paniwala ng marami, may mga bubuyog na hindi ginagamit ang kanilang sting para makapanakit ng tao kaya puwede silang alagaan at mapakinabangan ang kanilang honey o pukuyutan.

Sa programang "AHA!," ipinaliwanag ang iba't ibang uri ng bubuyog ang kani-kanilang trabaho sa kanilang colony.

Ang Queen Bee ang siyang nangingitlog at nagpaparami sa colony. Kaya niyang mangitlog ng libo-libong bubuyog kada araw.

Ang Drone Bees o lalaking bubuyog ay walang mga stinger at walang kakayahang kumuha ng nectar at pollen. Agad silang namamatay matapos ang 'mating' sa Queen Bee.

Ang mga Worker Bee ay mga babaeng bubuyog na walang kakayahang mangitlog. Sila ang lumalabas para kumuha ng makakain at maiinom ng drone bees.

Sila rin ang karaniwang bantay sa kanilang lungga.

Pero papaano nga ba nakagagawa ng pukyutan ang mga bubuyog at ano ang uri ng bubuyog na Apis Mellifera na maaaring alagaan sa bahay at pupuwede pang makatulong sa negosyo ng paglikha ng honey? Panoorin ang video na ito ng AHA!--FRJ, GMA News