Dahil sa pandemic, naisipan ni Jo-Ann Angeles na magluto nang magluto sa bahay na ipinapadala niya sa mga kaibigan. Ang hilig niya sa pagluto, naging matagumpay niyang negosyo na frozen ulam na umaabot sa P10,000 ang kita bawat araw.

Kuwento ni Angeles sa programang "Pera-Paraan," ang mga kaibigan na rin niya ang naghikayat sa kaniya kinalaunan na gawing negosyo ang hilig niya sa pagluluto.

Sa puhunan na P50,000, sinimulan ni Angeles ang kaniyang Frozen Ulam-Mama Jo Homecooked Meals.

Para maging kakaiba, inilagay ni Angeles ang frozen ulam sa ice cream microwavable container para madaling initin.

Ngayon, kumita na ang negosyo ni Angeles ng P10,000 isang araw, at mas mataas pa raw kapag weekends at holidays.

At kung dati ay sa bahay lang niya ginagawa ang frozen ulam, ngayon ay mayroon na silang production house.

Nagbabagsak na rin sila ng produkto sa ilang convenience stores Metro Manila.

Isa sa mga frozen ulam na iniaalok ni Angelez ay ang "tulingan sa mangga." Papano ito ginagawa? Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News