Perwisyo ang biglang buhos ng ulan nitong Huwebes sa Metro Manila na nagdulot ng pagbaha sa iba't ibang dako.Sa Almar Zabarte, Caloocan, kita ang epekto ng biglaang baha sa video ng YouScooper Joey Dubria.
Kita sa video ang pag-anod sa mga orange barrier na dapat sana'y gabay para sa trapiko.
Ang ilang barrier, tumama pa sa mga jeep na sumusuong din sa baha sa kabilang direksyon ng kalsada. —JST, GMA News
