Maraming netizens ang naaliw sa viral video ng magkapatid na pinagalitan ng kanilang makudang nanay sa Tondo dahil sa pagti-Tiktok. Pero totoo nga bang nagalit si nanay o umakting lang? Alamin.

Nakausap ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang mag-iina sa viral Tiktok video at ikinuwento nila ang totoong pangyayari sa likod ng naturang eksena. Pero pag-amin nila, sadyang talakera o makuda ang kanilang loving mommy.

Samantala, kilalanin ang doppelganger naman ni Ate Guy sa Navotas City, at sino ang tao sa likod ng sikat na "magkapitbahay serye" na sina Mars at Aling Nena? Panoorin ang video.

--FRJ, GMA News