Good vibes ang hatid sa netizens ng isang kuting matapos siyang makatuwaan ng kaniyang mga amo at paglaruin ng isa sa mga sikat na palaro ni Kuya Wil sa "Wowowin" na "Hep-Hep Hooray!"

Sa video na ini-upload ni Marie Francis Añasco, madidinig ang kanilang tawanan dahil mistulang sumasagot ng "Hooray!" ang kuting na si  Kimpee kapag sumisigaw sila ng "Hep-Hep!"

Panoorin ang nakatutuwang video at alamin kung mapapasigaw kaya si Kuya Wil ng "Bigyan ng jacket yan!" kapag nakita ang kuting.

--FRJ, GMA News