Dahil sa isang artikulong lumabas na makikita pa ang larawan ni Willie Revillame habang nasa eroplano, nilinaw ng "Wowowin" host na hindi siya ang nag-post ng larawan sa isang peke umanong social media account, at hindi rin sa kaniya ang naturang eroplano.

Muli ring iginiit ni Kuya Wil na walang siyang anumang personal na social media account, at hindi niya gawain na i-post para ipagmalaki ang kaniyang mga naipundar. Panoorin.


--FRJ, GMA News