Kumalat sa social media ang mga litrato ng isang dambuhalang isda na may napakalaking bunganga na mula raw sa isang fishpond sa Valenzuela City. Tunay nga ba ang naturang tila monster fish at papaano ito napunta sa lungsod?

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, sinabing tinatayang mahigit 20 taon na ang edad ng isda, na isa palang Arapaima. May haba ito na na mahigit walong talampakan at dahil sa bigat, ilang tao ang kailangang bumuhat.

Panoorin ang video at kilalanin kung papaano nagkaroon ng dambuhalang Arapaima sa isang fishpond sa Valenzuela, at alamin kung mapanganib ba ang naturang isda. --FRJ, GMA News