Napuno ng kilig ang nakaraang episode ng "Wowowin-Tutok To Win" nang sabihin ni Sanya Lopez kay Willie Revillame na,  "Pangarap ko sa buhay ko, ikaw lang." Nadagdagan pa ito ng kilig nang awitan ni Kuya Wil ang Kapuso actress.

Pero bago kantahan ni Kuya Wil si Sanya sa episode ng programa nitong Huwebes, nabanggit ng TV host na, "Binata naman ako...dalaga [si Sanya] at walang boyfriend. 'Di ba?"


Dahil 23-anyos lang si Sanya at 59-anyos naman si Willie, tinanong ang aktres kung importante ba sa kaniya ang agwat ng magiging kasama sa buhay.
"Ang importante yung pagmamahal," ayon kay Sanya.

WATCH: Kuya Wil, tila natigilan nang sabihan ni Sanya Lopez na; 'Pangarap ko sa buhay ko, ikaw lang."

--FRJ, GMA News