Kabilang ang "Marikit" singer na si Juan Caoile sa mga pinagpilian ng celebrity contestant sa "Bawal Judgmental" ng "Eat Bulaga" nitong Lunes. Bukod sa pagiging hit ng kanta, viral din ang dance challenge nito kaya napasabak sa sayawan ang mga dabarkads.

Unang "hinamon" na kumanta at sumayaw ng "Marikit" si Alden Richards, na sinabayan ni Maine Mendoza.

Sumunod na ang JoWaPao na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteres.

Kahit ang celebrity contestant na si Andrea Torres, napasabak din.

Sumabak din sa "Marikit" dance challenge sa Tiktok si Bossing Vic Sotto.

Ang "Marikit" ay ginawa ni Juan Caoile, o Patrick dela Cruz Caoile.

Kasama ni Juan sa mga pinagpilian ni Andrea ang iba pang singer at composer na sina Lil Vinceyy, Charlie Mack, Clien Alcazar, Yumi Lacsamana, Matthaios, at Aikee. --FRJ, GMA News